
Ang Dinosauro at ang kanyang kaibigan
Product by
gigantenena1195About this product
Noong unang panahon, sa isang malawak na kagubatan, may isang dinosauro na ang pangalan an Dino. At ang kanyang kaibigan an si Tino.
Isang araw, habag sila ay naglalaro sa tabing ilog, napansin ni Dino na may nag-aaway na dalawang Dinosauro. Ang mga ito ay ng-aaway dahil sa pagkain at teritoryo. Si Dino ay nag-aalalang nagtanong kay Tino. “Bakit sila nag-aaway?” Tanong n Dino kay Tino. Hindi ba’t mas maigi na lamang na sila ay magtulungan.” Saad pa nito. Sumagot si Tino. “Oo, pero minsan ang mga dinosauro ay nagiging makasarili at nakakalimutan ang kanilang pagiging magkaibigan.
Nais ni Dino na tulungan ang nag-aaway. Kaya’t ito’y kanyang linapitan at pinagsabihan. “Bakit hindi na lamang tayo magtulungan, maraming pagkain sa paligid at kung tayo ay sama-sama mas marami tayong mahahanap na pagkain.
Narining ito ng mga Dinosauro at nag-isip sila. Napagtanto nila na mas maigi ang magtulungan kaysa mag-away. Mula noon ay nagtulungan sila at gumawa ng isang grupo kung saan lahat ay may bahagi sa paghahanap ng pagkain at pag-aalaga sa isa’t isa.
Ang aral sa kwentong ito ay mas mahala ang pag-uunawaan, pagtutulungan at pagpapahalaga sa kaibigan kahit na ano man ang iyong pagkakaiba.
Advertisement
Product listed by
from Masbate, Bicol, Philippines
Advertisement