Services

Advertisement

One Night Love Romance Novel (E-book in pdf format)

Product by

goodnovelstories
About this product

"Ang sabi sa horoscope, dito ko raw matatagpuan ang forever ko. Nasaan kaya siya? Hmmm," ani Freya habang matiyagang nagmamasid sa paligid. Ngayong araw, nawasak ang puso niya dahil hindi siya ang pinili ng taong matagal na niyang gusto. Nagpunta siya sa H-Club para makalimot at magsaya. Mas pinili niyang pumunta sa isang lugar na hindi siya naglalagi kaysa magmukmok sa apat na sulok ng kaniyang silid. “Hindi na ako magsasayang ng luha sa walang kwentang lalaki! Akala ba niya eh hahabulin ko siya? Ano ‘ko, aso? Tss. Kung kaya niyang maging masaya sa piling ng iba, pwes , kaya ko rin!” aniya. Habang inaaliw ang kaniyang sarili ay may lumapit sa kaniyang isang lalaking ubod ng guwapo. His eyes, nose, lips, everything about him is almost perfect! Sa hitsura pa lang nito, alam na agad niyang mayaman ito. Inagaw ng lalaki ang kaniyang kopita at diretsong nilagok ang laman nitong alak. "Hey, that's mine!" reklamo niya habang nakakunot ang kaniyang noo. "Ow, sorry dear. Why are you drinking alone? Do you want me to join you? By the way, I'm Jacob ... Jacob Anderson Gray," ani ng lalaki. Tumaas ang parehong kilay niya. Inayos niya ang kaniyang salamin. Mukhang hindi na niya kailangang hanapin pa ang lalaking sinasabi sa horoscope. "Jacob Anderson Gray," bulong niya. Napaisip siya kung saan niya narinig ang pangalan nito. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit sa unang pagkikita nila ay magaan na agad ang loob niya rito. Nang ilahad ni Jacob ang kamay nito sa kaniya ay agad siyang nakipagkamay rito. "Freya Oligario. Nice to meet you." Lihim siyang napangiti nang biglang umupo si Jacob sa kaniyang tabi. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang kopita. Diretso niya iyong nilagok para magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob na makipag-usap sa isang napakaguwapong nilalang. Ang totoo, hindi siya sanay na makipaglandían lalo na sa mga taong kakikilala niya lamang.

PRODUCT DETAILS

Format: pdf
No. of pages: 206
Language: Tagalog

Advertisement

Loading...

Product listed by

Alvin Alcuantra

from Manila, Metro Manila (NCR), Philippines

Please buy my product for ebook and other novels.

Advertisement

0